48

Jan 6, 2022 @ 15:24
By

PNP: Mga papasok NCR, Bulacan kailangan ng Covid 19 vaccination card

Kakailanganin na magpresenta ng mga byahero ng COVID-19 vaccination card sa checkpoint bago makapasok sa National Capital Region at Bulacan.

Ayon sa Philippine National Police (PNP), inatasan na ng lokal na pamahalaan ng mga lungsod sa Metro Manila at Bulacan ang pulisya na hingin ang vaccination card ng mga papasok na byahero.

“Those without vaccination cards will be barred from entering and will be asked to go back,” pahayag ni PNP chief Dionardo Carlos.

Sinabi ng PNP, kung kinakailangan ay magdedeploy sila ng maraming pulis sa mga checkpoint.

Kamakailan lang, isinailalim sa Alert Level 3 ang NCR pati na rin ang Bulacan dahil sa patuloy na pagtaas ng bagong kaso ng COVID-19 sa bansa matapos ang Bagong Taon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?