33

By

PNP, may bagong plano sa giyera kontra droga

Sharing is caring!

Handa ang Philippine National Police (PNP) sa muling pangunguna sa giyera kontra iligal na droga sa bansa.

Ito ay kasunod ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na nais niya nang ibalik sa PNP mula sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang pangunguna sa war on drugs.

Ayon kay PNP Deputy Spokesperson Supt. Vimelee Madrid, may mga plano na ang PNP para sa mga pagbabago sa muling ikakasang war on drugs pero hindi pa ito naisasapinal.

Ito ay dahil hindi pa naman daw ligal na naililipat sa PNP ang pagsasagawa ng anti-drugs operation.

Ilan sa mga plano nilang baguhin ay ang hindi na mapabilang pa sa illegal drugs operation ang mga tiwaling pulis.

Sa ngayon, ayon pa kay Madrid, ay ginagawa nila ang lahat para malinis ang kanilang hanay sa pamamagitan ng maigting na internal cleansing. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }