80

Oct 25, 2017 @ 19:02

PNP, mas type manahimik sa nagawa sa Marawi

Mas pinili raw ng Philippine National Police (PNP) na maging tahimik patungkol sa naging partisipasyon ng mga pulis partikular ng Special Action Force (SAF) sa operasyon sa Marawi City.

Ayon kay PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa, hindi na raw nila inasam na maging maingay noong kasagsagan ng giyera sa Marawi City para kilalanin ang kanilang mga nagawa sa operasyon para matapos na ang giyera sa lungsod.

Utos niya raw na maging ‘silent workers’ ang kanyang mga tauhan kahit pa marami ang nagtatanong sa tila pananahimik nila sa nangyayaring giyera sa Marawi.

Sa limang buwang bakbakan, mahigit 500 na pulis ang pinadala sa lungsod, 496 dito ay SAF troopers.

Pitong pulis ang naitalang napatay sa giyera, 60 ang naging sugatan na kanina ay agad na binigyan ng one-rank promotion ng hepe.

Kaugnay nito, agad na binanatan ni Dela Rosa ang mga senior police offices na nagkukuwestiyon sa pagbibigay niya ng promosyon sa mga pulis na nasugatan at nasawi sa giyera sa lungsod ng Marawi.

Aniya, walang sinuman ang puwedeng kumuwestiyon sa kanyang utos lalo kung ito ay nararapat na ibigay sa mga pulis na nagbuwis ng kanilang buhay. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?