17
views
dragonboat
By

PNP Maritime, wagi sa Dragonboat Challenge

Sharing is caring!

Bumida ang Team Yellow Fins, Philippine Maritime at Philippine Maritime B sa katatapos lamang na 2018 Dumaguete Dragonboat Challenge na inorganisa ng Philippine Canoe-Kayak Drangonboat Federation (PCKDF) at ginanap sa Rizal Booulevard simula Abril 5 hanggang 7.

Nagwagi ang Yellow Fins sa 200 meters Standard Boat (50’39s) at Standard Boat Mixed event (1”12’76s) habang nanalo naman ang Philippine Maritime B sa 200m Short Boat Open (50’00s) at 300m Short Boat Open sa oras na 1”13’89 minuto.

Nagwagi naman ang Philippine Maritime sa 300m Short Boat Mixed (1”17’16m) at Standard Boat Open (1”09’22) para iuwi ang espesyal na tropeo na ginawa para sa torneo na suportado ng lokal na pamahalaan ng Dumaguete City at co-presented ang Philippine Airlines, Dumaguete Fil-Chinese Chamber of Commerce, Globe Telecom at ang Department of Tourism – Region 7.

Ang magandang handmade na tropeo na ipinapakita ang makasaysayang landmark na Bell Tower ng Dumaguete City na napapaikutan ng Dragon ay gawa naman sa recycled plastic.

Kabuuang 18 koponan na binubuo ng mga guest at local na koponan ang lumahok sa 2018 edisyon ng Dumaguete Dragon Boat Challenge! na nagsagupa sa mga kategorya na Open, Mixed at Women.

Susunod na isasagawang torneo ng PCKDF ay ang sa 19-21 Boracay International Race na magsisimula sa Abril 19 hanggang 21 bago lumipat sa April 29 sa Paoay, Ilocos sa pagtataguyon nin Governor Imee Marcos.

Lilipat ang tonreo sa Mayo 13-14 sa pagsasagawa ng Dragonboat Challenge sa Butuan City.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?