4

Nov 30, 2020 @ 15:59
By

PNP: Marijuana mabenta sa Metro Manila

Iniimbestigahan na ng Philippine National Police (PNP) ang pagdagsa ng marijuana sa National Capital Region at mga katabing probinsya.

Ayon kay PNP chief Gen. Debold Sinas nitong Lunes, tinitingnan ng PNP kung ginagawang pamalit ang marijuana sa shabu matapos nilang makasabat ng may P24 milyong halaga ng pinatuyong marijuana sa Quezon City noong Linggo.

Ani Sinas, 217 na bloke ng dried marijuana na nakumpiska sa tatlong high-value target sa Balintawak ay maaaring nakuha mula sa Cordillera Administrative Region.

“We are assessing kung ito ba, ‘yung drugs o marijuana will be used as an alternative for shabu. We are assessing bakit ganito karami at tumaas ang demand ng marijuana sa NCR (National Capital Region) at nearby provinces,” pahayag ni Sinas sa isang press briefing.

Dagdag niya, dapat sana’y ide-deliver ang naturang marijuana sa Metro Manila, Calabarzon at Mimaropa.

“We do not know yet kung ano ang relation nito ng marijuana. But once we will know, we will make follow-up operations,” dagdag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?