12

By

PNP: Kung may EJKs, dapat patay na ‘yung sumuko, naaresto sa droga

Sharing is caring!

Pinabulaanan muli ng Philippine National Police (PNP) ang mga alegasyon ng umano’y extrajudicial killings (EJKs) sa bansa, base umano sa istatistika sa kampanya kontra droga ng gobyerno.

Ayon kay PNP Spokesman Police Chief Supt. John Bulalacao, nakatutok lamang ang mga kritiko sa halos apat na libong namatay sa war on drugs pero hindi napapansin ang mahigit 1.3 milyong napasukong mga drug personalities at mahigit 120,000 na naaresto.

Kung ikukumpara aniya ang bilang ng mga namatay sa war on drugs sa bilang ng mga napasuko, ang ratio ay point 0.3 percent lamang.

Malinaw aniya sa statistics at ito ang ebidensiya na walang EJKs sa bansa.

Sinabi pa ni Bulalacao, kung may kampanya aniya ang pamahalaan na EJK, sana ay patay na rin lahat ang mahigit 1.3 milyong sumuko at 120,000 na naaresto.

Sinabi pa ni Bulalacao na may presumption of regularity sa pagsasagawa ng mga pulis ng kampanya kontra droga.

Ibig sabihin nito ay kinokonsiderang tama ang aksiyon ng mga pulis sa pagtupad ng anti-illegal drug operations kung hindi napapatunayan ng korte na ito ay mali.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?