74

Oct 21, 2017 @ 19:21

PNP, kakalusin ang talamak na illegal recruitment

Tututukan nang husto ng Philippine National Police (PNP) ang pagpapahinto sa mas talamak pa ring illegal recruitment sa bansa.

Kasunod ito ng direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa marami pa ring biktima ng illegal recruitment.

Ayon kay PNP-Anti-Transnational Crime Unit chief, Police Supt. Roque Merdeguia, matagal nang nakatutok ang PNP sa mga nagaganap na illegal recruitment .

Sa katunayan, aniya, halos lahat ng mga pekeng recruitment agency ng isang illegal recruitment syndicate ay naipasara na nila pero talagang marami pa rin ang kaso ng illegal recruitment sa bansa.

Tama, ayon kay Merdeguia, ang assessment ng Pangulo na marami pa rin ang kasong ito sa bansa na dapat ay mas bigyan ng pansin.

Kaya naman humihingi ang PNP ng tulong sa publiko na kung may alam na may nagaganap na illegal recruitment ay agad itong ipagbigay-alam sa PNP sa pamamagitan ng kanilang hotline na 0949-865-2400 at 0916-617-6969.

Sa ngayon, isang malaking pagsubok sa PNP ang hindi pagrereklamo ng mga nabiktima ng illegal recruitment.

Bukod pa ito sa ginagawang illegal recruitment ng mga sindikato online na nagde-deposit ng pera sa pamamagitan ng mga money transfer. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?