55

Dec 2, 2017 @ 15:43
By

PNP isinalang sa kurso para sa war on drugs

Isinalang na sa refresher courses ang mga tauhan ng Philippine National Police-Drug Enforcement Group (PNP-DEG).

Ito ay bilang paghahanda sa muling pangunguna sa war on drugs ng pamahalaan.

Ayon kay PNP-DEG Director Chief Supt. Joseph Adnol, nagtapos na kahapon sa refresher courses ang unang batch ng mga miyembro ng PNP-DEG na nasa 50 na police officers.

Ang refresher courses ay 160 hours kung saan pinapaalala sa mga police officer na miyembro ng PNP-DEG ang mga nakasaad sa PNP manual at tamang paraan sa pagsasagawa ng anti-drugs operations.

Nagpapatuloy ang training ng ikalawang batch ng mga police officer na miyembro rin ng DEG.

Inamin naman ni Adnol na kahit na bago pa inalis sa kanila ang pangunguna sa war on drugs ay may plano na sila para sa refresher courses.

Ito ay upang mas maging epektibo ang kanilang hanay sa pagsasagawa ng anti-illegal drugs operations.

“Bago pa naman inalis ang mandate, bago inalis ang operation, the PNP-DEG has been prepared for the work. We want to make it better para mas efficient or effective ang work namin,” sabi ni Adnol.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?