30

Oct 25, 2017 @ 13:01

PNP, ipinagtanggol sa resulta ng SWS survey

Hindi raw dapat sisihin ang buong Philippine National Police (PNP) sa nangyaring mga patayan sa gitna ng war on drugs ng administrasyong Duterte.

Katuwiran ni House Dangerous Drugs Committee chairman Rep. Robert Ace Barbers, maaaring may kinalaman din sa pagkamatay ng mga drug suspect ang mga bugok na pulis at pulitiko.

Ayon kay Barbers, gawain din ng mga sindikato ang paglikida sa mga miyembro bilang paraan ng paglilinis ng kanilang hanay.

“We should understand that the PNP should not be held accountable for the rising number of tragic deaths. It is possible that the different drug syndicates are cleansing their ranks, or that maybe they are eliminating competition, which includes rogue cops and politicians who belong to these organizations,” sabi ni Barbers.

Para naman sa mga pulis na nakapatay talaga ng hinihinalang mga sangkot sa iligal na droga, sinabi ni Barbers na hindi rin masisisi ang mga ito dahil ang kanilang mga kalaban ay mga miyembro ng mga sindikato na handang mamatay para sa kanilang organisasyon.

“Some trigger-happy undisciplined cops may have played a role in some of the killings although they cannot be blamed completely as they are putting up a fight against ruthless syndicates whose members are ready to die to defend their illegal trade,” ayon pa sa kongresista.

Sa resulta ng SWS survey, maraming Pilipino ang naniniwalang nagsisinungaling ang mga pulis kapag sinabing nanlaban ang mga drug suspect kaya napatay. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?