25

Feb 14, 2021 @ 15:51
By

PNP ipapasilip sa NBI nakuhang ebidensya sa pagkamatay ni Christine Dacera – Guevarra

Inihayag ni Justice Secretary Menardo Guevarra na ibabahagi ng Philippine National Police (PNP) sa National Bureau of Investigation (NBI) ang nakalap nilang ebidensya sa kaso ng pagkamatay ng flight attendant si Christine Dacera.

“PNP will share its evidence (specimens, garments, mobile phones) with the NBI on Monday; the NBI will complete and finalize its report soon thereafter,” ani Guevarra sa isang mensahe.

Pagkatapos maisumite ng mga ebidensya sa NBI ay inaasahang matatapos na nila ngayong linggo ang imbestigasyon hinggil sa naturang kaso at maipapasa na ang pinal na ulat sa Department of Justice.

“I was informed that after receiving certain specified pieces of evidence from the police on Monday, the NBI will be in a position to wind up its investigation within the week, and submit its report to the DOJ for the consideration of the investigating prosecutor.”

Magugunitang pumutok ang balita tungkol sa 23-anyos na dalaga noong Enero 1 nang matagpuan siyang walang malay sa bathtub ng isang hotel sa Makati City.

Una nang iginiit ng ina ng nasawi na may nangyaring foul play kaya namatay ang kanyang anak ngunit lumabas sa ulat ng PNP medico legal na raptured aortic aneurysm ang ikinamatay nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?