17

Jan 14, 2022 @ 9:16
By

PNP iniimbestigahan na bumaril sa journalist sa Sultan Kudarat

Iniimbestigahan na ng Philippine National Police (PNP) ang pamamaril sa isang radio reporter at electoral candidate sa Tacurong City, Sultan Kudarat.

Sinabi ng Police Regional Office sa Soccsksargen na binaril sa Park Sampaguita sa Brgy. Bagong Carmen nitong Miyerkoles ang reporter ng “Radio ni Juan Radio Station” at tumatakbong councilor ng Lambayong na si Jaynard Angeles.

Base sa imbestigasyon, nasa Falle Auto Repair Shop ang biktima upang ipasuri at ipaayos ang kanyang sasakyan nang lapitan siya ng dalawang hindi pa nakikilalang mga suspek at pinagbabaril sa ulo na nagresulta sa kanyang agarang pagkamatay. Agad namang tumakas ang mga suspek sa hindi malamang direksyon sakay ng isang motorsiklo.

Ayon sa PRO-12 Director na si Police Brig. Gen Alexander Tagum, nagsagawa na ng hot pursuit operations ang Tacurong City Police Station laban sa mga suspek.

Dagdag pa ni Tagum na kinokondena ng PRO-12 ang pagpatay sa mga mamamahayag na aniya ay nakakaapekto sa kalayaan ng ito na gampanan ang kanilang tungkulin nang walang takot. (Sherrylou Nemis)

Abantelliling with Ritz Azul

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?