7

Oct 1, 2020 @ 15:32
By

PNP inaatake rin ng mga hacker – Cascolan

Kahit ang Philippine National Police (PNP) ay hindi sinasanto ng mga hacker.

Ito ang sinabi ni PNP chief Gen. Camilo Cascolan sa Senado sa pagdinig sa panukalang P190.5 bilyong pondo ng ahensiya para sa 2021.

Ayon kay Cascolan, bagama’t meron cyber patrol ang kapulisan, maging sila aniya ay nabibiktima rin ng mga hacker.

“To be frank with you, we are even being hacked by a lot of hackers,” pahayag ni Cascolan matapos tanungin ni Senador Ramong Bong Revilla Jr.

Binanggit pa ng senador ang ilang nakalaarmang ulat hinggi sa mga kaso ng cybercrime sa gitna ng COVID-19 pandemic.

“Maraming nabibiktima ang cyber criminals sa pamamagitan ng online scam, phishing, identity theft at fake news at misinformation,” sabi ni Revilla.

“Hindi lang mga individual users ang nabibitikma, maging ang malalaking corporation, mga pamahalaan, mga critical ay nabibiktima rin,” sambit pa nito.

Sumang-ayon naman si Cascolan sa sinabi ni Revilla na dumami pa ang mga nanloloko sa cyberspace kahit na may pandemya.

Gayunpaman, ginagawa naman nila ang lahat, sa pamamagitan ng kanilang anti-cybercrime unit para labanan ang mga sindikatong ito.

Ayon sa hepe, umabot sa 214 ang kanilang isinagawang operasyon mula Hulyo 2019 hanggang Hulyo 2020 kung saan 252 indibidwal ang dinakip at naligtas naman ang pitong menor de edad.

Isa umano sa mga nadakip ay isang Nigerian na kumita ng milyong piso mula sa mga Pinoy sa pamamagitan ng ‘romance scam’.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?