24

Apr 24, 2021 @ 12:15
By

PNP iimbestigahan pagkamatay ni lolo sa pantry ni Angel

Inutos ni Interior Secretary Eduardo Año sa Philippine National Police (PNP) na imbestigahan ang pagkamatay ng isang senior citizen sa community pantry na inorganisa ni Angel Locsin.

Ayon kay Año, responsibilidad ng mga organizer ng bawat community pantry na masigurong masusunod ang health protocol.

Sa nangyaring pantry sa Brgy. Holy Spirit, Quezon City, alas-2 ng madaling-araw ay may nakapila na kahit na alas-5 ng madaling-araw ang itinakdang curfew sa Metro Manila.

Bukod pa rito’y hindi napatupad nagkaroon ng mass gathering, at nakapila din ang mga senior citizen na pinagbabawalang lumabas.

“It’s the organizer’s responsibility to impose the minimum health standards. That’s the primary reason why they have to coordinate with the LGUs local government units so that the latter can provide assistance,” ayon kay Año.

“Since somebody died, the PNP has to conduct an investigation. We cannot ascertain yet who could be liable until the completion of the investigation,” aniya pa.

Nasawi si Rolando dela Cruz, 67, habang nasa pila para sa ayuda. Dineklara itong dead-on-arrival nang makarating sa East Avenue Medical Center.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?