229

Nov 27, 2017 @ 16:21
By

PNP-IAS chief may death threats!

Nakakatanggap ng banta sa buhay ang hepe ng PNP Internal Affairs Service na si PNP IAS Inspector General Atty. Alfegar Triambulo.

Ang PNP-IAS ay ang tanggapan sa PNP na nakatalagang duminig sa kasong administratibo ng mga pulis na nasangkot sa katiwalan o lumabag sa Police operational procedure.

Pero hindi natinag si Triambulo sa bantang ito sa kanya. Sa halip itinututuon niya ang sarili sa trabaho at ipinagpapasa-Diyos na lang niya ito.

Hinikayat naman ni PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa, si Atty. Triambulo na huwag magpapatakot sa mga police scalawags na nagbabanta sa kanyang buhay.

Sa halip inalok pa nito ang abogado ng mas maraming baril upang magdalawang isip ang mga nagbabanta sa buhay nito na isakatuparan ang kanilang mga banta

Una nang nagrekomenda ang PNP-IAS kay Dela Rosa na masibak sa serbisyo ang tatlong daang mga pulis dahil napatunayan ng PNP IAS na sangkot sa katiwalian ang mga ito, karamihan dito ay tuluyan nang nasibak sa serbisyo. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?