By

PNP-HPG, kapit-bisig sa CCW riders sa bantay-lansangan

Sharing is caring!

Nilagdaan ng PNP Highway Patrol Group (HPG) ang isang memorandum of agreement (MOA) para pagtulungan ang problema ng kriminalidad sa mga lansangan at mga paglabag sa batas trapiko.

Sina PNP-HPG Director Arnel Escobal at Citizens Crime Watch (CCW) National President at founder Jose Malvar Villegas ang pumirma sa kasunduan.

Nakasaad sa kasunduan, gagamitin ng HPG bilang force multipliers ang motorcycle riders ng CCW sa buong bansa sa pagbabantay sa mga lansangan.

Ide-deputize ng HPG ang mga riders pagkatapos isailalim sa pagsasanay para makatulong sa traffic management at road safety operations ng HPG.

Ang NCR ang magiging pilot area para sa proyekto, at i-expand nationwide sa darating na panahon.

Ayon kay Villegas, ang CCW ay may 10,000 riders nationwide na puwedeng makatulong sa pagbabantay ng mga daan.

‘Welcome development’ naman para kay Escobal ang kasunduan dahil mahigit 1,200 lang ang tauhan ng HPG, at kailangan nila ng mas maraming force multipliers para mabantayan nang husto ang mga lansangan. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?