81

Dec 1, 2017 @ 16:35
By

PNP hindi pagtataguan ng impormasyon ang CHR

Nililinaw ng Philippine National Police na may full access pa rin ang Commission on Human Rights sa mga impormasyon para sa kanilang mga imbestigasyon.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Chief Supt Dionardo Carlos, bagama’t may mga limitasyon ang PNP sa pagbibigay ng impormasyon ay maari naman daw mag request o makipag- communicate ng maayos ang CHR para makakuha ng kakailanganing mga impormasyon.

Aniya, anumang oras ay maari na nilang ibigay ang spot report ng isang kaso sa CHR ngunit sa iba anyang dokumento ay kailangan pa itong pormal na hilingin.

Paliwanag ni Carlos ang dahilan ay una kapag may on going investigation sa kaso, pangalawa kapag hawak na nang Prosecutors Office at iba pang korte ang kaso kaya dapat na ma-review ito ng maayos

“All they need is to communicate kaya readily available are the sport reports,” sinabi ni Carlos.

Hiling naman ni Carlos na sanay ay makasama nilang muli ang CHR sa mga malalaking event ng Philippine National Police.

Nagsimula ang isyung ito dahil sa paghingi ng datos ng CHR sa PNP sa mga namamatay sa war on drugs ng pamahalaan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?