39

Dec 5, 2017 @ 18:27
By

PNP, gagamit na ng body cams sa anti-illegal drugs ops

Susunod lamang ang Philippine National Police (PNP) sa nilagdaang memorandum ni Pangulong Rodrigo Duterte na isasama na muli ang PNP sa kampanya sa iligal na droga pero mananatili sa PDEA ang pangunguna sa operasyon kontra iligal na droga.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Chief Supt. Dionardo Carlos, matagal na silang handa para rito.

Kaya naman dahil sa direktibang ito mas gagamitin na ng mga pulis ang kanilang mga body camera sa pagsasagawa ng anti-illegal drugs operations.

Papayagan din daw nilang isama sa mga drugs operation ang ilang sektor upang magsilbing witness sa mga operasyon para sa tinatawag na transparency.

Mas itutuon din daw ng pamunuan ng PNP ang kanilang atensyon sa isinasagawang internal cleansing kasabay ng pagsama ng PNP sa muling pagsasagawa ng war on drugs.

“PNP will utilize body cameras; will put more focus in internal cleansing; allow other sectors to join o witness the operation for transparency,” sinabi ni Carlos. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?