344
Abante-TnT--Palit-hepe-sa-PNP-Drug-Enforcement-Group
Dec 9, 2017 @ 15:42
By

PNP Drug Enforcement Group chief sinibak

Inalis na sa puwesto ang pinuno ng PNP Drug Enforcement Group (PNP-DEG) na si Police Chief Supt. Joseph Adnol.

Kasunod ito ng utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na bumalik na sa war on drugs ang PNP.

Ipinalit kay Adnol si Police Senior Supt. Albert Ignatius Ferro na dating pinuno ng binuwag na PNP Anti-Illegal Drugs Group.

Itatalaga naman si Adnol sa Personnel Holding and Accounting Unit o PHAU ng Directorate for Personnel Records Management.

Ang mga balasahang ito ay batay sa special orders ng National Police Commission, National Headquarters at PNP na pirmado ni Directorial Staff, Police Deputy Director General Archie Francisco Gamboa at Director for Personnel and Records Management Police Director Rene Aspera.

Ang balasahan ay epektibo sa Disyembre 11, 2017.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?