25

Sep 12, 2021 @ 9:51
By

PNP, DILG naghahanda na sa pagkasa ng granular lockdown

Kasalukukayang naghahanda na ang Philippine National Police (PNP) at Department of the Interior and Local Government (DILG) para sa pagpapatupad ng granular lockdowns at alert level system sa Metro Manila.

Ayon sa ulat ng GMA News, ipinag-utos din ni PNP Chief Police General Guillermo Eleazar ang pakikipag-ugnayan ng kanyang ahensya sa mga lokal na pamahalaan bago ang Setyempre 16.

Batay sa report, aabisuhan ang mga lugar na isasailalim sa granular lockdown isang araw bago ito ikasa.

Ayon kay Interior undersecretary Epimaco Densing III, ibabase nila ang alert level sa isang lugar batay sa dami ng COVID cases nito.

“Hindi po limitado sa cases no ang mga pamantayan ng DOH based sa kanilang summary is una ico-consider talaga ang healthcare utilization rate. Kailangan mas mababa sa 70%,” wika niya.

“Pagbabasihan din ‘yung pagbaba o pagtaas ng numero ng mga cases at ‘yung ADAR,” dagdag pa niya.

Kaugnay nito, sinabi ng opisyal na tanging isang alert level lang ipapatupad sa Metro Manila sa loob ng dalawang linggong pilot implementation.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?