123

Oct 27, 2017 @ 14:49

PNP-CIDG puwedeng mag-isyu ng subpoena

Inaprubahan na sa ikalawang pagbasa ng kamara ang panukalang nagbibigay ng kapangyarihan sa Philippine National Police-Criminal Investigation Group (PNP-CIDG) na mag-isyu ng subpoena ad testificandum o subpoena duces tecum.

Layunin ng panukala na palakasin ang kapasidad ng PNP-CIDG sa pangangalap ng mga dokumento at magpatawag ng mga testigo sa isinasagawa nitong mga imbestigasyn.

Ipinaliwanag ng may-akda ng panukala na si Surigao del Norte Rep. Francisco Matugas na sa ilalim ng RA 6975, binigyang kapangyarihan ang NAPOLCOM na mag-isyu ng subpoena at subpoena duces tecum sa mga kasong iniimbestigahan laban sa mga tauhan nito pero hindi naman binigyan ng ganitong kapangyarihan ang PNP-CIDG.

Ang ilan pang ahensya na may ganitong kapangyarihan ay Ombudsman, DOJ, NBI, PDEA, BIR at Cybercrime Operation Center.

Giit ng kongresista, bilang main-enforcement agency ng bansa, dapat lamang na may kakayahan ang PNP-CIDG na mag-isyu ng administrative subpoena.

“It is surprising that the PNP-CIDG, the main enforcement agency of the country, does not possess such power to issue administrative subpoena which plays a significant role in any fact finding or investigation,” ayon kay Matugas.

Dagdag naman ni Public Order and Safety Chairman Romeo Acop, naka-aapekto sa pagiging epektibo at efficient ng PNP-CIDG ang kakulangan nito sa ilang kapangyarihan pagdating sa imbestigasyon. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?