14

Oct 30, 2020 @ 16:22
By

PNP chief: Yaman ng mga pulis sisilipin

Inanunsyo ni Philippine National Police (PNP) chief Pol. Gen. Camilo Cascolan na magsasagawa ng lifestyle check para sa mga aktibong pulis.

Ito’y kasunod ng utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na maimbestigahan ang buong gobyerno sa katiwalian.

“This will be made by the IMEG (Integrity Monitoring and Enforcement Group) together with IAS (Internal Affairs Service) so that we would be able to see what’s happening with our people now. Maganda ang morale nila pero ano nga ba ang kabuhayan nila ngayon. Paano sila nagkaroon ng mga gamit na ganyan?” lahad ni Cascolan.

Lahad pa ng hepe, sisiguraduhing mananagot ang sinumang pulis na lulong sa korapsyon.

“We have stiff penalties with regard to that and they will be given sanctions. We will also file cases against them if needed,” giit ng PNP chief.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: