36

Jan 4, 2022 @ 10:53
By

PNP chief sapol ng COVID

Nagpositibo sa COVID-19 si PNP chief Police General Dionardo Carlos, ayon sa kanyang text message sa mga reporter ngayong Martes.

“This is to confirm that I, Police General Dionardo Carlos, tested positive for COVID-19 virus (suspected Omicron variant),” saad sa text message ni Carlos sa mga reporter.

Kwento ni Carlos, unang nakaranas ng lagnat at panlalamig ang isa niyang tauhan kaya naman sumailalim siya sa RT-PCR test noong Linggo, kasama ang iba pa niyang malalapit na tauhan.

Dito na niya napag-alaman na siya ay COVID positive. Damay din sa sakit ang kanyang driver at alalay.

“I experienced fever, chills, and body sweats Sunday evening but come Monday, only lower back pain remains,” pahayag pa ng PNP chief.

Samantala, sa buong PNP ay umakyat na sa 164 ang mga aktibong kaso ng COVID matapos magpositibo ang 107 parak nitong Martes. (mjd)

““`ZW3212WQJulia Barretto naghubad sa Mexico?

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?