121

Feb 13, 2020 @ 11:32
By

PNP chief Gamboa tikom sa pagkasama ni Espenido sa narco cop list

Umapela si Philippine National Police (PNP) chief General Archie Gamboa na irespeto ang ginagawang proseso ng ahensya sa ginagawang validation ng gobyenro sa 357 pulis na nasa drug watchlist.

Matapos nitong sabihin na ang mga nasabing narco cops ay mula sa ranggong Police Brig. General hanggang Patrolman ay hindi na ito nagbigay pa ng kumento lalo na sa isyu na kasama si Police Lt. Col. Jovie Espenido sa listahan.

“Respect our process. Nakiusap naman ako sa inyo, diba? Na huwag na sanang tingnan ‘yung mga personalities kasi you know the intention,” pahayag ni Gamboa sa panayam ng mga reporter sa Camp Crame.

“The validation of information is a “very complex” process and giving details to the public on the personalities involved would lead to the development of prejudices,” paliwanag ni Gamboa.

Dagdag pa nito na ang public pronouncement ng nasabing watchlist ay maaring mapangunahan ang desisyon ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Gamboa added that public pronouncements on the watchlist could “preempt the decision of the President” on how to address the issue once cops are proven to be involved in illegal drugs.

“It’s a very complex process. When I start explaining about the 357, it’s preempting the decision of the President. So gusto ko we will not discuss anything about it kasi may mga prejudices nang madedevelop sa mga tao and possibly sa President,so sana pabayaan nyo kami mag-evaluate and we will submit ito to the president. We don’t know what the president will do with the recommendation,” saad pa ni Gamboa.

Kahapon ay sinimulan na ng PNP ang validation at adjudicating ng mga kaso ng narco cops, sa bilang na 357, 15 na sa mga ito ang nagdesisyong mag early retirement habang ang 43 naman ay nasa absent without leave (AWOL) status.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?