316

Jul 5, 2020 @ 18:22
By

PNP Chief Gamboa: 2 rapist na pulis, dapat mabulok sa kulungan!

“They are not men in uniform but animals who deserve to be jailed for life. Walang awa, walang puso, walang kwentang pulis.”

‘Yan ang naging pahayag ni Philippine National Police chief Archie Gamboa sa dalawang pulis na sangkot sa panghahalay sa isang 15-anyos na dalagita, na kalauna’y pinagbabaril sa Cabugao, Ilocos Sur.

Ayon sa PNP, bukod sa kasong rape para sa isang pulis ay swak din sa murder sina Police Staff Sergeant Randy Ramos at Marawi Torda dahil sa umano’y pangmomolestiya at pagpaslang sa isang dalagita.

Ang dalawang suspek ay tinanggal na sa serbisyo, at inaresto na kung saan dinala sa Ilocos Sur Police Provincial Office habang hinihintay ang procedure para madetine ang mga suspek.

Ayon kay Gamboa, sinisiguro niya na mapaparusahan ang dalawang pulis ng San Juan Municipal Police Station dahil sa hinihilang krimen na ginawa sa biktima at pinsan nitong 18-anyos.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?