35

Nov 28, 2017 @ 14:57
By

PNP chief Bato, nanindigan sa Oplan Double Barrel

Nanindigan si Philippine National Police (PNP) Chief Ronald ‘Bato’ dela Rosa na hindi nila babaguhin ang inilabas nilang memorandum circular kaugnay sa Oplan Double Barrel.

Sa harap na rin ito ng petisyon sa Korte Suprema na kumukuwestiyon sa ligalidad ng nasabing memo kung saan nakasaad ang mga salitang neutralized o negated na maaari umanong isipin ng mga pulis na utos sa kanila para pumatay ng drug suspect.

Paliwanag ni Dela Rosa, masyado lang nilalaro ng mga kritiko ang mga ginamit na salita sa inilabas nilang memorandum.

“Hindi ko gagawing lesson ‘yun kasi sila nag-insist na ang neutralization is pagpatay, sa amin ang meaning is neutralize, render them ineffective in carrying out their atrocities for their criminal acts so there are many ways of neutralizing, kapag lumaban, ‘yun napapatay. Kapag hindi lumaban, huli arrested, neuralized pa rin ‘yun,” sabi ni Dela Rosa.

Hangga’t hindi aniya sinasabi ng Supreme Court na unconstitutional o iligal ang nasabing memo, hindi nila ito babaguhin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?