40
PNP Bato Dela Rosa
Feb 24, 2018 @ 10:07
By

PNP chief Bato, determinadong walisin ang mga tiwali sa PNP

Lahat ng paraan ay gagawin para malinis at mabago ang lahat ng mga tiwaling kasapi ng Philippine National Police (PNP).

Ito ang matigas na pahayag ni PNP chief Director General Ronald ‘Bato’ dela Rosa, bilang pagpapaigting sa internal cleansing campaign ng pamahalaan.

Ayon kay Dela Rosa, hindi siya titigil at lahat ng paraan ay kanyang gagawin para magbago ang mga tiwaling pulis kahit tuloy pa rin ang mga ito sa kanilang mga masasamang gawain.

“Nakikita ko sa ngayon hindi na madadala sa pangongonsensiya ang mga police scalawags na ‘yan, kaya sa tingin ko sa pamamagitang ng ‘hitting the problem head on’, mabibigyan ng leksyon ang mga pulis,” wika ni Dela Rosa.

Iginiit pa ni Dela Rosa na kapag nangongotong ang mga pulis at may complaint agad ay magsasagawa ng entrapment operation ang Counter Intelligence Task Force, huhulihin at sasampahan ng kasong administratibo at tatanggalin ito sa serbisyo.

Gayunman, sinabi ni Dela Rosa na sa ngayon, sa patuloy na paghihigpit, hindi na gaano kalaki ang problema sa mga tiwaling pulis kumpara sa mga nakalipas na taon dahil nararamdaman na ng mga ito na talagang seryoso ang pamunuan ng PNP sa paglilinis sa kanilang hanay mula sa mga pasaway na pulis.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?