ronald-dela-rosa-

PNP chief Bato, binigyan ng award ng Indonesia

Sharing is caring!

Binigyan ng mataas na pagkilala ng Indonesian National Police (INP) si Philippine National Police (PNP) chief Ronald ‘Bato’ dela Rosa nitong Miyerkoles, Pebrero 14 dahil sa kontribusyon nito sa seguridad ng dalawang naturang bansa.

Tinanggap ni Dela Rosa ang ‘Bintang Bhayangkara Utama’ o Medal of Honor sa grand conferment ceremony na ginanap sa Auditorium of Police Academy sa Jakarta.

“To the very famous and popular General Bato: thank you for your rockstar-like inspiration to the Indonesian national police and the Indonesian people on how to fight the war on drugs. This is the first time that the Indonesian government granted the highest award the state can give, the Medal of Honor, the Bintang bahayang Kara utama (the ultimate protector of the state and the people), to a non-Indonesian official,” ani Indonesia Police General Tito Karnavia sa ulat.

Kapwa pioneer members ng Asean Association of Police Chiefs (ASEANAPOL) ang PNP at INP, na may pagkakaunawaan sa maritime border patrol, anti-terrorism, anti-piracy, anti-smuggling, transnational crime, illegal drugs at trafficking in persons.

Maliban kay Bato, nakatanggap din ng kaparehong award ang minister ng Home Affairs ng Singapore, commissioner ng Australian Federal Police, commissioner ng Royal Brunei Police Force, inspector general ng Royal Malaysia Police, commissioner ng Singapore Police at ang direktor ng Internal Security Department ng Singapore.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?