114

By

PNP chief Albayalde buo ang tiwala sa hanay ng kapulisan

Malaki ang tiwala ni Philippine National Police (PNP) Chief Oscar Albayalde sa kanyang hanay ng kapulisan kaya hindi ito magpapatalo sa napapabalitang magtitiwalagan na umano ang ilang mga pulis at sundalo dahil sa panggigipit ng Pangulong Rodrigo Duterte sa isang senador.

Ayon kay Albayalde, hindi na kailangan ng loyalty check sa hanay ng pambansang pulisya basta tiwala ito sa kanilang trabaho at siniguro niyang hindi makikinig ang kapulisan sa anumang katiwalian.

Ito ay kasunod ng mga alegasyong magtitiwalagan na umano ang ilang sundalo at pulis matapos bawiin ang amnestiya kay Senador Antonio Trillanes IV na napapabalitang bumubuo umano ng grupo.

Giit naman ni Albayalde na hindi kikilos ang PNP hangga’t walang legal na pag-aresto laban kay Trillanes kaya wala silang gagawing labag sa batas.

Dagdag pa ni Albayalde, palagi nilang ipinaiiral ang katapatan sa Konstitusyon sa hanay ng mga kasundaluhan at kapulisan at lalong lalo na sa mamamayan.

Huwag mabahala sa presensya ng pulis sa labas ng Senado dahil hindi naman kikilos ang pulis na ikalalabag ng batas, ayon sa PNP chief.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?