74

Sep 2, 2019 @ 16:47
By

PNP bukas sa dating MNLF, MILF na gustong mag-pulis – Albayalde

Bukas ang Philippine National Police (PNP) sa mga dating miyembro ng Moro National Liberation Front (MNLF) at Moro Islamic Liberation Front (MILF) na nais mag-pulis.

Ayon kay PNP Chief Police General Oscar Albayalde, walang problema sa kanila ang mga dating rebelde na nais pumasok sa PNP basta wala silang standing warrant of arrest at maipapasa nila ang requirements na itinatakda ng batas para maging kuwalipikado na mag-pulis.

“Ang stand namin diyan is lahat ng may standing warrants of arrest, they have to face the charges,” saad ni Albayalde sa isinagawang press briefing sa Camp Crame nitong Lunes.

“Bukas ‘yang recruitment just like to any other Muslim brothers that we have, basta sila ay qualified. They have to meet the qualification, standards natin that is stated in the law. Dapat ‘yung edad, educational attainment, height, nandoon lahat. ‘Pag disqualified sila, then we cannot process them,” dagdag ng opisyal.

Paliwanag pa ni Albayalde, hindi kagaya ng Armed Forces of the Philippine, hindi sila tumatanggap ng “auxiliary” kung kaya kinakailangan na dumaan sa normal na proseso ang pag-recruit sa mga dating MNLF at MILF.

Matatandaan na nitong Hulyo, napagkasunduan nina Interior Local Government Secretary Eduardo Año, Bangsamoro Transition Authority Interim Chief Minister Ahod Ebrahim at Presidential Peace Adviser Carlito Galvez ang pagpapahintulot sa mga dating rebelde na sumali sa PNP.

Sa ngayon, inaayos na ang draft memo circular para sa naturang kautusan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?