970

By

PNP boycott sa ‘Ang Probinsyano’

Sharing is caring!

Tigil na sa pagsuporta ang hanay ng Philippine National Police (PNP) sa hit TV series na ‘Ang Probinsyano’.

Sa memorandum na ipinalabas ng PNP, sinaad na hindi na magbibigay ng tulong ang kanilang mga unit, maging ang mga kagamitan na kanilang ginagamit ay hindi na rin ipapahiram ng pulisya.

“All units, offices, and personnel are advised to immediately refrain from assisting, to withdraw their support to the production of the said teleserye in terms of PNP resources like patrol cars, firearms, personnel, venues, and other items and gadgets being used in the teleserye,” saad ni Police Community Relations Director Eduardo Garado.

Matatandaan na naging matabang ang chief ng PNP na si Director General Oscar Albayalde sa nasabing TV show dahil sa negatibong pagpapakilala sa mga pulis sa istorya nito.

Kahit ang Department of Interior and Local Government ay sinabing magsasampa ng reklamo kung hindi palitan ang plot ng serye.

“Ang Probinsyano” producers allegedly did not make any “visible correction” and instead continued with its “daily wrongful portrayal of PNP Officers as corrupt and ineffective,” pakli ni Garado.”While our PNP legal officers are studying our legal options, there is a need to immediately withdraw the PNP’s assistance, if there is any, in the production of the teleserye.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?