78

By

PNP blangko pa sa motibo ng pagpatay kay Mayor Halili

Sharing is caring!

Wala pang lead ang Philippine National Police-CALABARZON sa motibo ng pagpatay kay Tanauan City Mayor Antonio Halili.

Sinabi ni PNP-CALABARZON Regional Director Chief Supt. Edward Carranza, sinisiyasat pa nila ang kuha ng CCTV camera nang mangyari ang pamamaril kahapon.

Naghihintay pa rin aniya sila ng resulta mula sa mga eksperto kung anong uri ng baril ang ginamit ng sniper na dahilan ng pagkamatay ni Mayor Halili.

Kahapon sinabi ni PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde na isa sa mga posibleng motibo ng pagpatay sa alkalde ay may kinalaman sa walk of shame campaign nito sa mga nahuhuling gumagawa ng krimen sa kanilang lungsod.

Nasawi si Mayor Halili matapos barilin habang nasa flag-raising ceremony sa New City Hall ng lungsod. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?