118
ronald-dela-rosa-
Oct 10, 2017 @ 16:56

PNP biktima ng propaganda vs EJKs – Bato

Katulad ng ibang opisyal ng administrasyon, nanggagailiti si Philippine National Police Chief Ronald ‘Bato’  Dela Rosa, kapag tinatanong tungkol sa mga kaso ng Extra judicial killings sa bansa.

Ayon kay De La Rosa, biktima sila ng propaganda nang ideklara ng mga kritiko ng administrasyon na Extra Judicial Killings ang lahat ng mga kaso ng napapatay sa war on drugs.

Depensa ni PNP Chief, walang EJK batay sa definition nito sa ilalim ng Administrative Order 35 na ipinalabas ng dating administrasyon.

“HIndi po kami nagpapa-propaganda bakit ba kung ibalik ko sa kanila ang tanong yung pag label ng killing as EJK hindi ba yun pagpopo-propaganda, baka kayo ang nagpapa-propaganda para sirain ang gobyerno” sinabi ni Dela Rosa

Paliwanag ni Dela Rosa na masasabi lamang na may kaso ng Extra Judicial Killings kung ang biktima ay miyembro mg cause oriented group o Media.

Nagbiro pa ito ng sabihing hindi miyembro ng caused oriented ang mga napapatay sa mga anti drug operation

Maliban lamang kung nagtayo na ang mga ito ng organisasyon na samahan ng mga magsha shabu sa Pilipinas. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?