87

Dec 1, 2021 @ 20:19
By

PNP bantay sarado sa 6 private army

Anim na private armed group ang binabantayan ng Philippine National Police (PNP).

Sa pahayag, sinabi ni PNP chief Dionardo Carlos, minomonitor nila ang mga armed group laban sa paghahasik ng takot at harassment sa publiko.

Aniya, habang papalapit ang eleksyon, inaasahang magiging aktibo ang mga nasabing grupo.

Nanawagan siya sa mga mamamayan na i-report sa kapulisan ang anumang kahina-hinalang tao o aktibidad.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?