119

Apr 19, 2021 @ 21:09
By

PNP bantay din sa West Philippine Sea

Tutulong ang Philippine National Police (PNP) sa Navy at Coast Guard sa pagbibigay-seguridad sa West Philippine Sea (WPS).

Sabi ni PNP chief Gen. Debold Sinas ngayong Lunes, inatasan niya ang PNP Maritime Group na magsagawa ng pagpapatrolya sa WPS.

“Ang PNP po ay laging sumusuporta sa AFP sa lahat ng threat sa ating bansa. Ang unang nakatalaga diyan ay ang Philippine Navy. Kami naman ay nakahandang sumuporta sa kanila para po pangalagaan ang karapatan natin sa West Philippine Sea,” pahayag ni Sinas.

Saad naman ni Maritime Group Director PBGen. John Mitchell Jamili, regular silang nagsasagawa ng coastal at seaborne patrol sa mga lugar ng Region 1, Region 3, Region 4B at Palawan, na mga lugar na nasa harap ng WPS.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?