85
dick-gordon-
By

PNP ang dapat managot sa patayan sa drug war, ‘di si Duterte – Gordon

Sharing is caring!

Hindi si Pangulong Rodrigo Duterte ang dapat na pinananagot sa mga patayan sa gitna ng giyera laban sa droga.

Ayon kay Senador Richard Gordon, chairman ng Senate committee on justice and human rights, ang Philippine National Police (PNP) ang reponsable sa patayan dahil ito ang tagapagpatupad ng batas at mga programa kontra krimen.

“It’s the police. That’s why I said nung lumabas ang Korte Suprema na magpaliwanag ang pulis at ibigay ang ebidensya, I supported the Supreme Court,” tugon ni Gordon nang tanungin kung sino ang responsible sa mga patayan kung hindi ito si Duterte.

“Tungkulin ng pulis na ipaliwanag sa tao ang patayan,” dagdag nito.

Tugon ito sa gitna ng preliminary examination ngayon ng International Criminal Court (ICC) sa paratang kay Pangulong Duterte at sa administrasyon nito na crime against humanity dahil sa libo-libo umanong extrajudicial killings sa gitna ng gyera laban sa droga ng administrasyon.

Ayon kay Gordon, kung siya ang masusunod, tulad ng Pangulo ay hindi niya ipasasakop ang Pilipinas sa ICC.

Maliliit na bansa lang aniya ang kinakaya ng ICC.

Isinumbat na may mabibigat ding kaso ng mga patayan sa America at iba pang bansa sa mga nakalipas pero hindi naman hinabol ng ICC.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?