99

By

PNP aminadong may pagkakamali sa pagbili ng Mahindra patrol vehicles

Sharing is caring!

May natutunan ang Philippine National Police (PNP) sa pagkakamali sa pagbili ng Mahindra patrol jeeps.

Ito ang naging pahayag ni PNP Directorate for Logistics Director Jovic Ramos makaraang madiskubre ng Commission on audit (COA) na marami sa Mahindra patrol jeeps ay kasalukuyang hindi nagagamit.

“Hindi ko po masagot because that’s what procured kaya nga po ‘yung mga natutunan namin dito tinake into consideration like the presence ng mga service center na at least kung sa 17 regions dapat meron

siyang 16 and isa doon sa 16 mag-cater sa isang region na wala like sa

ARMM,” sabi ni Ramos.

Ngunit nilinaw ni Ramos na 10 porsyento lamang ng mahigit 3,000 Mahindra patrol jeeps ang nakatengga sa ngayon dahil walang spare parts na makuha para sa mga ito.

May naging problema aniya sa supply ng piyesa dahil wala naman aniyang pabrika ang Mahindra sa Pilipinas dahil ang Columbian Motors lang ang designated local maintainance provider nito.

Nakipag-ugnayan na aniya ang PNP sa Columbian Motors para maresolba ang problema.

Sinisi naman ni Ramos ang nakalipas na pamunuan ng PNP na bumili ng patrol jeeps noong 2015 na idineliber noong 2016.

Dahil dito, sa susunod na vehicle procurements ng PNP ay kanila nang titiyakin na may service center sa lahat ng rehiyon ang provider ng mga bibilhing sasakyan ng PNP.

Siniguro naman ni Ramos na makikipagtulungan ang PNP sa imbestigasyon ng Ombudsman dahil sa umano’y anomalya sa pagbili ng Mahindra patrol jeeps. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?