51

Nov 2, 2017 @ 12:58

PNP alerto sa pagbalik ng mga motorista, pasahero sa Maynila

Nakatutok ang Philippine National Police sa pagdagsa ng mga pasahero at motorista galing sa mga probinsya matapos ang dalawang araw ang ilang araw na paggunita ng Undas.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Chief Supt Dionardo Carlos idedeploy nilang muli ang kanilang mga road marshals para gabayan ang mga motorista at pasahero upang ligtas na makabalik sa kani kanilang mga lugar.

“As they return to the urban centers, the PNP will redeploy our road marshals to assist motorists and passengers to ensure their safe return.” sinabi pa ni Carlos

Kahit nakatutok sa mga motorista at pasahero ang PNP tiniyak ni Carlos na may naka-deploy pa ring mga pulis sa mga sementeryo hanggang ngayong araw.

Inaasahan pa rin daw nilang may mga ilan pang dadalaw sa kanilang mga namapaya ng mahal sa buhay at kanila pa rin itong babantayan.

Ito ay upang matiyak na magiging mapayapa pa rin ang paggunita ng All souls day.

“Security coverage is still ongoing and deployment at cemeteries may stay until Nov. 2” sinabi pa ni Carlos. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?