72

Nov 2, 2017 @ 12:43

PNP alerto sa natitirang galamay ng Maute

Siniseryoso ng Philippine National Police ang impormasyong may mga miyembro ng Maute na galing Marawi na pansamantalang tumutuloy na sa kanilang mga kamag- anak sa area ng Taguig City ang magsasagawa ng retalliatory attack.

Nakasaad sa kumakalat na text message na gagamit sila ng mga ice cream cart o kahon ng kandila at pasasabugin sa mga matataong lugar.

Ayon kay National Capital Regional Police Office Chief Oscar Albayalde dahil sa mga natanggap na impormasyon mas pinaigting nila ang intelligence gathering hindi lang ng PNP kundi maging ng armed forces of the Philippines at National Intelligence Coordinating Agency o NICA.

Posible raw kasing mangyari ito lalot may mga miyembro ng Maute ang naaresto dito sa Metro Manila partikular sa Maharlika Quezon City kamakailan. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?