70

Dec 19, 2017 @ 11:06
By

PNP at AFP, handa laban sa pag-atake ng CPP

Puspusan na ang paghahanda ng tactical at maneuver units ng Philippine National Police (PNP) kontra sa posibleng pag-atake ng komunistang grupo.

Ito ay para paigtingin pa ang kanilang opensiba sa nalalapit na 49th founding anniversary ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) sa Disyembre 26, 2017.

Sa inilabas na kalatas ng PNP, inalerto na rin nila ang lahat ng kanilang mga yunit at pinanatii na ang anila’y ‘high state of vigilance’ laban sa CPP-NPA.

Magiging katuwang naman ng pambansang pulisya ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa naturang paghahanda.

Una nang nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang proklamasyon na pagdedeklara sa CPP-NPA bilang teroristang grupo. (Betchai Julian)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?