346

By

PNP: 25 arestado sa unang araw ng election gun ban

Sa loob lang ng 24-oras ng election gun ban, nakapagtala na ang Philippine National Police (PNP) ng nasa 25 katao na nadakip sa magkakahiwalay na checkpoints sa bansa.

Nakakumpiska umano ang PNP ng kabuuang 27 illegal firearms, 168 rounds ng ammunition, pitong bladed weapons, 22 gun replica, 70 sachets ng shabu at dalawang glass pipes na may marijuana.

Sa kabila nito, “generally peaceful” umano ang unang araw ng election period.

Samantala, magpapatuloy umano sa pagsasagawa ng checkpoints sa 150-day election period ang kapulisan para sa 2019 midterm polls.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?