13
gun-ban

PNP: 238 gun ban violators na ang naaresto nationwide

Sharing is caring!

Umabot na sa 238 katao ang dinakip dahil sa paglabag sa pinaiiral na gun ban ng Commission on Elections (Comelec) kaugnay sa gaganaping barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections.

Ayon sa National Election Monitoring and Action Center (Nemac), hanggang noong Huwebes (Mayo 3), 64 indibiduwal na ang naaresto sa Commission on Elections (Comelec)-PNP checkpoints habang 174 violators ang nadakma sa Oplan Sita, Oplan Bakal at Oplan Galugad.

Nakakumpiska rin ang Nemac ng 200 iba’t ibang uri ng armas, 58 matatalim na armas at 11 granada.

Mahaharap ang mga nasakote sa kasong paglabag sa Omnibus Election Code.

Ang election period para sa 2018 barangay at SK elections ay nagsimula noong Abril 14 at matatapos ng Mayo 21.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?