23

Oct 14, 2021 @ 11:07
By

PNP: 117 lugar sa NCR kandado

Kasalukuyang 117 lugar sa Metro Manila ang nakasailalim sa granular lockdown ayon sa Philippine National Police (PNP).

Ayon sa ulat ng GMA News, naitala ang mga lugar na kinandado sa 78 barangay sa National Capital Region.

Batay sa datos ng ahensya, kasama rito ang 67 tirahan, 25 subdivision, 15 residential building, 5 residential building floor, at 5 eskenita.

Dahil dito, nagpakalat ang kapulisan ng 363 PNP personnel at 410 force multipliers upang siguruhing naipapatutupad ang COVID safety protocols sa mga kinandadong lugar. (VA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?