151
liberal
Jun 21, 2018 @ 0:45
By

Pnoy, walang ginawang iligal-LP

Handa si dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na harapin ang kasong isinampa sa kanya ng Ombudsman dahil sa pagpapatupad ng Disbursement Acceleration Program (DAP).

Kasunod ito ng rekomendasyon ni Ombudsman Conchita Carpio Morales na kasuhan si Aquino sa Sandiganbayan dahil sa DAP na nauna nang idineklara ng Korte Suprema na iligal.

Sa isang pahayag, sinabi ng Liberal Party (LP) na papatunayan ni Aquino sa lahat ng korte na wala siyang ginawang iligal.

Iginagalang ni Aquino ang proseso pero umaasa ito na papakinggan din ang kanyang paliwanag ayon pa sa pahayag.

Depensa pa ng LP, ang DAP ay nilikha sa intensyon na maibigay ang mga serbisyo at mga imprastraktura na kailangan ng mga tao alinsunod sa batas.

Ito ang dahilan kung bakit pinahintulutan ni Aquino ang implementayon ng nabanggit na programa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?