42

By

PNoy nalito, nagulat sa not guilty verdict kay Bong Revilla

Sharing is caring!

Nakakalito at nakakagulat.

Ito ang reaksiyon ni dating Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III sa naging desisyon ng Sandiganbayan sa plunder case ni dating Senador Bong Revilla kung saan napawalang-sala ito.

Sinabi ni dating Pangulong Aquino na kung napatunayan ng Sandiganbayan na guilty ang mga kapwa akusado ni Revilla, malinaw aniya na mayroong nagawang krimen ang mga ito.

Kung pag-aaralan aniya ang desisyon ng Sandiganbayan, tiyak na malilito at magugulat sa halip na maliwanagan.

Batay sa ibinabang desisyon, guilty sina Janet Lim Napoles at Atty. Richard Cambe at hinatulan ng habang buhay na pagkabilanggo subalit pinawalang sala si Revilla .

“The media reports that his co-accused were found guilty. That fact proves a crime was committed. I am sure that if one were to study the decision once released, one would be confused and bewildered instead of enlightened,” ani dating Pangulong Aquino.

Hiningan din ng komento ang dating Pangulo dahil parehong nasa labas na ang tatlong senador na ipinakulong matapos akusahang nagkamal ng pork barrel fund kasabwat ang pork barrel queen na si Napoles.

Sinabi ni dating Pangulong Aquino na mabuti na lamang at hindi na siya ang magpaliwanag sa hindi maipaliwanag na mga kaganapan sa kaso ng tatlong senador na sina Revilla, dating senador Jinggoy Estrada at dating senador Juan Ponce Enrile.

“I am glad it is not my job to explain the unexplainable,” dagdag pa ni dating Pangulong Aquino.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?