79

Jun 24, 2021 @ 20:31
By

PNoy na-cremate na

Na-cremate na ang labi ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

Nitong June 24 ng umaga payapang namayapa habang natutulog si Aquino, ayon sa kanyang kapatid na si Pinky Aquino-Abellada.

Pumanaw si Noynoy dahil sa renal disease secondary to diabetes.

Ayon kay Kris, sa Sabado ililibing ang kanyang Kuya Noy sa tabi ng kanilang mga magulang sa Manila Memorial Park sa Parañaque.

Nagpaabot siya ng pasasalamat sa lahat ng tumulong at lahat ng nakiramay sa pamilya Aquino.

Samantala, nagkaroon ng misa sa isang chapel bandang alas-4 ng hapon nitong Huwebes sa The Heritage Park sa Taguig kung nasaan ang labi ni Noynoy na dinaluhan ng mga kaanak, kaibigan at nakatrabaho niya.

Matapos ay pinalakpakan si PNoy ng mga dumalo.

Magkakaroon ng lamay sa The Heritage Park ngayong gabi at bukas dadalhin ang urn ni Noynoy sa Ateneo de Manila University para sa lamay bago ang libing.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?