61

Mar 25, 2020 @ 11:13
By

PMA tinabla ang doktor kahit ‘di pasado sa board exams

Pinalagan ng Philippine Medical Association ang suhestiyon ni Senador Francis Tolentino na payagan ang mga medical graduate na makapag-practice kahit hindi pa ito nakakapasa sa physician board exams.

Ayon kay PMA Vice President Dr. Benito Atienza, kung batas ang susundin ay hindi lulusot na maging awtomatikong doktor ang nasa 1,500 med graduate na nag-take ng board exams ngayong taon.

“Mayroon tayong batas na sinusunod nga, diba ‘yong Medical Act. Nakasaad doon na bago ka tawaging licensed doctor, dapat talaga naipasa mo at dapat nagtetraining pa rin. Pagkatapos naming maging isang doktor, mayroon tayong tinatawag na training. Mayroon tayong special training. ‘Yong kaalaman nila ay dapat nagpapatuloy,” saad ni Atienza sa panayam sa dzMM.

Aniya, sapat pa naman ang bilang ng mga doktor sa Pilipinas kontra sa coronavirus kaya’t hindi kailangan ng nasabing panukala.

Isa pa, maaari pa rin naman umanong tumulong ang mga hindi pa lisensyadong doktor sa mga ospital basta’t may pinirmahang waiver at sasailalim sa training.

“Dapat kasi handa ka ‘rin eh, ‘yong sarili mo, theoretically. Actually, hindi naman lahat ng doktor sasabak diyan kasi nagte-training pa ang mga ‘yan,” aniya pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?