147

Feb 5, 2020 @ 13:41
By

PMA, PNPA naka-lockdown dahil sa nCoV

Sinuportahan ng Department of National Defense (DND) ang temporary closure ng Philippine Military Academy (PMA) sa Fort Del Pilar sa mga bisita at mga outsider sa banta ng novel coronavirus acute respiratory disease (2019 nCOV ARD).

“The DND supports the decision of the Philippine Military Academy to temporarily close its grounds to visitors and outsiders in light of the 2019-nCov situation. This is in step with the decision of the City Mayor of Baguio, the Honorable Benjamin Magalong, who imposed a mandatory a city-wide lockdown for tourists and visitors,” pahayag sa statement ni DND Secretary Delfin Lorenzana.

Iminungkahi din ni Lorenzana na iurong sa ibang petsa ang taunang PMA Alumni Homecoming na ginagawa kasa ikalawang linggo ng Pebrero.

“Unless the City Mayor reverses his decision before February 14, then I suggest that the PMA Homecoming be moved to a more auspicious date in the future,” dagdag ng opisyal.

Paliwanag ni Lorenzana hindi dapat malagay sa alanganin ang kaligtasan at kalusugan ng mga kadete at mga kaanak nila.

Nauna ng sinabi ng pamunuan ng PMA ang pansamantalang pagsasara sa mga bisita sa kanilang kampo bilang pagsunod sa kautusan ng local government unit ng Baguio City subalit maari pa ring bumisita sa mga kadete ang kanilang pamilya pero kinakailangan silang dumaan muna sa PMA Health practitioner.

Samantala nag-anunsyo na rin ang pamunuan ng Philippine National Police Academy (PNPA) kahapon ang pagsasara ng kanilang kampo sa Silang, Cavite.

Bawal muna ang bumisita sa mga kadete kahit ang kanilang mga kaanak dahil sab anta ng 2019 nCOV ARD.

“Effective today (Tuesday) visitations for cadets is suspended until further notice as ordered by PNPA Director, Major Gen. Chiquito Malayo,” pahayag ni PNP spokesperson Brig. Gen. Bernard Banac.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?