37

Feb 19, 2020 @ 16:14
By

PMA Homecoming sarado sa media, publiko

Bilang pag-iingat upang hindi na kumalat ang coronavirus (COVID-19) sa bansa lalo na sa malamig na lugar katulad ng Baguio City ay hindi na muna bubuksan sa publiko gayundin sa media ang annual homecoming ng Philippine Military Academy (PMA) na nakatakdang gawin sa Pebrero 22 sa Fort Del Pilar.

Sinabi ito ni PMA spokeperson Capt. Cheryl Tindog sa mga Department of Defense at Philippine National Police reporter sa tanong na kung bukas ba sa media coverage ang nasabing aktibidades.

“It will push through po on February 22, however, it will be a private gathering of the alumni and their immediate families. Our apologies po if it will not be opened for the media and the general public,” saad sa text message ni Tindog.

“And as much as possible, we are limiting the crowds from going inside Fort Del Pilar,” dagdag pa nito.

Matatandaang ang PMA Homecoming ay orihinal na gagawin sana nitong Pebrero 14-15 subalit nailipat ito ng Pebrero 22 dahil sa COVID-19.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?