41

Feb 20, 2020 @ 10:59
By

PMA homecoming sarado sa media, publiko

Dahil sa banta ng novel coronavirus, hindi na muna papayagan ang media at madla na masilayan ang taunang alumni homecoming ng Philippine Military Academy (PMA).

Ayon kay PMA Spokesman Capt. Cheryl Tindog, ito ay para maiwasan ang banta ng coronavirus outbreak na kumitil na sa buhay ng lampas 2,000.

“That is why as much as possible, we are limiting the crowd size from going inside Fort del Pilar,” ayon kay Tindog.

Sa ngayong edisyon ng PMA homecoming, tanging mga malalapit na kapamilya lang ng mga alumni ang papayagang makapasok sa loob ng academy grounds.

Ang PMA alumni homecoming ay gaganapin sa February 22, na dapat sana’y gaganapin noong February 15.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?