87

Jan 10, 2020 @ 18:22
By

PMA handang mamagitan kina Yeng, doktor sa Siargao

Handa umanong mamagitan ang Philippine Medical Association (PMA) kina singer Yeng Constantino at Dr. Esterlina Tan ng Siargao hospital kaugnay sa kasong cyberlibel na sinampa ng huli sa singer.

“[T]he PMA is always open and offers its venue for a possible peaceful settlement between Dr Tan and Madam Yeng Constantino,” sabi ni PMA Spokesperson at Ethics Commission Chairman Dr. Bu Castro sa ABS-CBN News.

Kahapon, Enero 9, 2020, may nag-upload sa Facebook ng kopya ng arrest warrant laban sa Pinay pop diva na pirmado ni Presiding Judge Cesar Bordalba ng RTC Branch 31 at lumabas noong Disyembre 12, 2019.

Ang kasong nakalagay sa utos ay “R.A. 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012) in relation to Article 355 of the Revised Penal Code,” at tinakda ang piyansa sa halagang P30,000.

Ngayong Biyernes, sinabi ng abogado ni Yeng na si Atty. Joji Alonso na nagpiyansa na ang singer, na hindi alam na may reklamo palang sinampa laban sa kanya sa Surigao del Norte court.

Matatandaang humingi na ng tawad at binura ni Yeng ang July 2019 YouTube vlog kung saan inakusahan niya si Tan na walang sense of urgency at concern sa naaksidente niyang asawa na si Yan Asuncion

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?